Home METRO Bagong footbridge, ipinakita ng DOTr; Mt. Kamuning, out!

Bagong footbridge, ipinakita ng DOTr; Mt. Kamuning, out!

260
0

QUEZON CITY, Philippines – Inilabas ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes ang itsura ng bagong footbridge ng Kamuning, na inaasahang matatapos sa Disyembre.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng DOTr ang isang video preview ng proyekto at sinabing ang bagong footbridge ay magiging commuter-friendly, “safer,” at “wider” kaysa sa kasalukuyang istraktura.

Sinabi rin ng DOTr na ang bagong footbridge ay magpapabuti ng daan sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), na may direktang koneksyon sa Kamuning busway station.

“Set to be completed in December, the project highlights the Department of Transportation’s commitment to provide commuters with world-class infrastructure to enhance their daily travel experience,” saad ng ahensya.

Ang kasalukuyang footbridge ng Kamuning na binansagang Mt. Kamuning, ay kilala sa matarik na hagdanan nito, na idinisenyo upang maiwasan ang mga linya ng kuryente ng Metro Rail Transit Line 3, ngunit umani ito ng batikos sa mga Netizens dahil sa hindi angkop na istratura para sa mga indibidwal na may iba’t ibang kakayahan o sa mga may kapansanan.

Noong Agosto 14, idinaos ng DOTr ang groundbreaking ceremony para sa bagong footbridge ng Kamuning.

Inihayag ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang footbridge ay magkakaroon ng dalawang elevator at manlift, o wheelchair lifters, upang matiyak ang access ng lahat.

Ang kabuuang halaga ng bagong footbridge, kabilang ang Busway Station rehabilitation, ay mahigit P89.1 milyon, na pinondohan sa pamamagitan ng Republic Act 11975, na kilala rin bilang General Appropriations Act Fiscal Year 2024-Edsa Busway Project, sabi ng DOTr. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here