Home HOME BANNER STORY Bagong itinalagang opisyal ng DPWH, inanunsyo ni Dizon

Bagong itinalagang opisyal ng DPWH, inanunsyo ni Dizon

312
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni DPWH Secretary Vince Dizon ang bagong itatalagang opisyal nito kasunod ng pagbuhay sa Cadet Engineering Program para paghugutan ng mga bagong tauhan at opisyal ng Kagawaran.

Ito ay sa katauhan ni Bureau of Design Director Lara Marisse Esquibil bilang Usec for Convergence and Technical Services.

Ayon kay Dizon, si Esquibil na 36 anyos pa lamang ay unang  nagtapos sa Cadet Engineering Program.

Tiwala naman si Dizon na papasa kay Pangulong Bongbong Marcos ang gagawin niyang rekomendasyon.

Ayon sa pa kalihim, dapat mangibabaw ang interes ng bayan at ang piliin sa puwesto ay mga karapat dapat mula sa kasipagan, galing, at katapatan.

Aniya, mahirapan siya na kumbinsihin si Esquibil hindi lang dahil sa bagong hamon ng trabaho kundi maging ang intriga na kanyang haharapin.

Dagdag pa ni Dizon, kritikal ang naturang posisyon na iniwan ng nagbitiw na si dating Usec. Arrey Perez lalo na sa pagtugon sa mga mahahalagang proyekto na kailangan agad maipatupad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here