Home HOME BANNER STORY Bagong kumpuning tulay bumigay

Bagong kumpuning tulay bumigay

MANILA, Philippines- Bumigay ang bahagi ng tulay na nagdudugtong sa bayan ng Cabagan sa Santa Maria sa lalawigan ng Isabela nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, inihayag ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nawasak ang bahagi ng tulay matapos daanan ng isang dump truck.

Anim na indibidwal, kabilang ang isang bata, ang dinala sa ospital dahil sa insidente.

Samantala, nawawala ang driver ng dump truck.

Sa social media post, inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cagayan Valley ang mga motorista na mag-ingat.

Sinusuri na ng DPWH regional office personnel ang tulay at naglatag ng mga hakbang upang mapanatiling ligtas ang publiko. RNT/SA