
INILABAS ng Google Maps ang ika-lima hanggang dalawampung pinakahinanap na mga pasyalan sa Pilipinas, na nagpapakita ng iba’t ibang destinasyon, mula sa mahahalagang pook pangkasaysayan hanggang sa mga kahanga-hangang likas na tanawin.
ü Chocolate Hills Complex sa Carmen, Bohol;
ü Loboc River Cruise sa Loay Bridge, Loboc;
ü Twin Lakes Tagaytay;
ü The Ruins o ang Lacson Ruins na nalalabing bahagi ng ancestral mansion nina Don Mariano Ledesma Lacson at Doña Maria Braga Lacson na nasa Talisay, Negros Occidental;
ü Lion’s Head na nasa Kennon Road na isa sa mga daan paakyat at pababa ng Baguio city, ang summer capital ng bansa;
ü Alona Beach sa Panglao Island, Bohol;
ü Hinagdanan Cave sa Dauis, Bohol;
ü Bangui Windmills na hilera ng mga wind turbines sa kahabaan ng Bangui Bay sa Ilocos Norte;
ü Cambugahay Falls, isang may kababaang talon na nasa Lazi, Siquijor;
ü Old Diplomat Hotel o ang Heritage Hill and Nature Park Garden sa Dominican Hill, Diplomat road, Baguio city, na paboritong dayuhin ng mga nais ng katatakutan at kababalaghan;
ü MacArthur Leyte Landing Memorial National Park sa Barangay Candahug, Palo, Leyte na pag-alaala sa makasaysayang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur sa bansa noong October 20, 1944 upang simulang bawiin ang bansa mula sa Japanese Imperial Forces;
ü Dr. Jose Rizal Monument sa kilometer zero ng Rizal Park, Maynila;
ü Cloud 9 Surfing Area sa Siargao Island;
ü Calle Crisologo na bahagi ng deklaradong World Heritage Site na Historic Town of Vigan;
ü Naga Boardwalk and Park sa Naga city, Cebu na isang bayside natural park; at ang
ü Walled City of Intramuros, ang kauna-unahang Maynila na itinatag noong 1571 ni Miguel Lopez de Legazpi.
Sa nakalipas na 20 taon, lumago ang Google Maps mula sa pagiging isang simpleng navigation tool patungo sa isang mas kumpletong serbisyo na may kasamang 360-degree street views, detalyadong impormasyon sa mga negosyo, at interactive maps.
Pinagtitibay ng web mapping app ang isa sa mga layunin nitong suportahan ang mga lokal na komunidad at sa patuloy na pagpapakilala ng magagandang destinasyon sa bansa.
Napuntahan mo na ba ang nasa 20 pa lamang na magagandang pook pasyalan sa bansa. Kung hindi pa ay ipon-ipon para at magkaroon ng travel goals.