Manila, Philippines- Inaabangan na ang list of celebrities na ilalagay ang name sa Walk of Fame sa Eastwood City sa may Libis, Quezon City this year.
Last year, bandang buwan ng Marso na sila nag-announce at isa sa mga binigyan ng “star” sa Walk of Fame ay ang controversial YouTuber na si Small Laude.
Mabuti pa si Small ay may sarili ng star sa Walk of Fame. Samantlang ang veteran comedian and multi-awarded host na si Arnell Ignacio ay ‘di pa nalalagay ang name sa star na nakahilera sa Walk of Fame.
Napakarami ng TV, radio shows bilang host and concert ang nagawa ni Arnell na ngayon ay nagtatrabaho nang husto bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator chairman.
Naging top-raters din ang mga show ni Arnell like Chibugan Na!, Kwarta o Kahon, GoBingo, Katok Mga Misis, and K!
Bukod dito, he’s also an actor, singer and songwriter.
Hindi pwedeng isnabin ang matagumpay at makulay na karera ni Arnell sa entertainment industry sa loob ng mahigit na apat na dekada.
Nagtataka lang ang marami kung bakit tila naisnab si Arnell ng pamunuan ng Walk of Fame.
From 2016 up to now, ang anak ng yumaong Master Showman German Moreno na si Federico Moreno ang nakaupo bilang presidente and general manager ng German Moreno Walk of Fame Foundation’s Selection Committee.
Ang German Moreno Walk of Fame Foundation’s Selection Committee na ang namimili para sa anim na kategorya-Film, Television, News and Public Affairs, Radio, Music and Theater.
At dinagdag na rin ang Social Media bilang seventh category noong 2020.
Hopefully, hindi na malagoasan ng komite na ma-consider at mabusisi ang achievement na nagawa ni Arnell bilang showbiz personality and a government official na malaki na ang naitulong para sa kapakanan ng ating mga bayaning OFWs for the past couple of years. Julie Bonifacio