Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nasaktan sa M-6.4 lindol sa Taiwan

Walang Pinoy na nasaktan sa M-6.4 lindol sa Taiwan

(c) Hualien County Fire Department

MANILA, Philippines – Walang Pilipinong naiulat na nasaktan matapos ang 6.4-magnitude na lindol na tumama sa Timog Taiwan, ayon sa mga ulat ngayong Martes.

Ang lindol ay yumanig malapit sa isang rural na lugar sa bundok malapit sa Chiayi City, na nagdulot lamang ng minor na pinsala.

Kinumpirma ni Cheloy Garafil, ang chairperson ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), na batay sa mga ulat mula sa kanilang mga opisina sa Taiwan, ligtas ang lahat at patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon.

Ayon kay Marshey, isang Overseas Filipino Worker (OFW), in-evacuate sila mula sa pabrika kung saan sila nagtatrabaho, at ligtas ang lahat, kabilang ang 300 Filipino na manggagawa.

Pagkatapos ng lindol, nag-padala ang gobyerno ng Taiwan ng isang ambulansya sa labas ng pabrika at nakipag-ugnayan sa mga manggagawa. RNT