Home NATIONWIDE Bagong logo ng OWWA pinasinayaan

Bagong logo ng OWWA pinasinayaan

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina OWWA Administrator Arnell Ignacio at Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang isang aktibidad kung saan inilunsad ang bagong logo ng ahensya.

Binigyan-diin ng dalawang ahensya ang pangako sa pagpapabuti ng mga Overseas Filipino Workers sa buong bansa, at ang kahalagahan ng pagbabago.

May be an image of text that says "OWWA"

“Dati kasi, yung design ng logo is modelled after ating pinakamamahal na mother agency, the Department of Labor and Employment. But now, of course, we are a family together with the Department of Migrant Workers. Ito na yung signal ng transition and transformation. Dapat lang magkaroon ng bagong logo,” sabi ni Cacdac.

Ang bagong logo ay nagsasama ng ilang elemento, kabilang ang tatlong bituin na nagpapahiwatig ng pagkakaisa sa pagitan ng gobyerno, OFW, at pribadong sektor; at isang araw na may walong sinag na sumisimbolo sa walong pangunahing tungkulin ng OWWA sa ilalim ng R.A. 10801.

Ang logo ay nagtataglay din ng mga kulay ng watawat ng Pilipinas, at ang titik na “P” para sa Pilipinas.

Mayroon itong “hug” design na nagpapakita ng “hindi natitinag na yakap” ng OWWA sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Inihayag ang logo sa tulong ng mga bisitang OFW, na nagsagawa ng maikling parada upang ipakita ang bagong logo.

“We became very emotional after seeing the logo now launched kasi napakarami naming pinagdaanan. Hindi pala napakaliit na bagay ang magpalit ng logo… Our logo exemplifies the emotions that our people in OWWA have in our engagement sa ating mga [with our] OFWs. We’re raising the bar higher. We’re not just aiming for OFW satisfaction, but for the delightful experience when you experience the OWWA and the DMW touch,” dagdag pa ni Ignacio. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)