Home NATIONWIDE Bagong MPD District DIrector ,mas pinaigting na kampanya laban sa krimen ,tiniyak

Bagong MPD District DIrector ,mas pinaigting na kampanya laban sa krimen ,tiniyak

105
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni PBGen. Arnold Casingal Santiago, ang bagong Acting District Director ng Manila Police District (MPD), na mas paiigtingin pa ang kampanya laban sa krimen para sa kapakanan ng mga residente ng Maynila.

Sa kanyang pagbisita sa MPD Press Corps, sinabi ng heneral na pagpapatuloy ng kanyang liderato ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga taga Maynila.

Sinabi ni PBGen. Santiago na kanyang tututukan sa unang 100 days niya ang pagbawas ng petty crimes at iba pang krimen laban sa tao at ari-arian, kasabay ng mas pinaigting na police visibility sa mga lansangan, lalo na tuwing rush hour mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Binigyang-diin din niya ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga police community precinct at station commanders sa mga barangay para sa mabilis na crime reporting at epektibong feedback mechanism laban sa ilegal na aktibidad.

Nang tanungin kung ano ang mga konkretong pagbabago ang aasahan ng mga ManileƱo , sinabi ni Santiago na mas ramdam na presensya ng pulis, mas mabilis na pagtugon sa insidente, at mas pinatibay na community engagement ang inaasahang resulta ng kanyang pamumuno.

Layunin din ng MPD na mapanatiling ligtas ang Maynila at maiwasan ang paglaganap ng krimen sa lungsod, kasabay ng pagbubukas ng kanyang opisina sa publiko at media para sa anumang concern.

Si Santiago na isang abogado at miyembro ng PNPA Class of 1997 ay humalili kay PBGen. Arnold Abad bilang MPD Director. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here