Home ENTERTAINMENT Dustin, hindi tatantanan si Bianca!

Dustin, hindi tatantanan si Bianca!

97
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam kay Dustin Yu, tinanong siya kung may namumuo nang relasyon sa kanila ng ka-lovetram na si Bianca de Vera.

Feeling kasi ng kanilag mga fans ay may something na talaga sa kanila ng young actres.

Pahayag ni Dustin, “Paglabas ko ng Bahay ni Kuya, una kong nakatrabaho talaga is si Bianca. I remember music video pa iyon. Una ko talaga siyang nakatrabaho.

“Tapos from that, tuluy-tuloy na. Na parang sunud-sunod yung mga projects namin together.

“Sa work, lagi kaming magkasama. Lock-in, magkasama kami,” sey ng dating PBB Celebrity Collab Edition housemate.

Pagpapatuloy niya, “Tapos siyempre outside work, yung relationship, friendship namin kumbaga, magkasama pa rin.”

Inamin ni Dustin na sa shooting daw nila ng “Almost Us”, naaalala raw niya si Bianca lalo na kapag nakakaeksena niya si Fyang Smith dahil nasanay na nga siya na laging kasama ito.

“Iba, e. I mean, masarap katrabaho si Bianca. So far, siya yung pinakamasayang katrabaho ko,” aniya pa.

Muling tanong kay Dustin, ano na ba talaga ang label ng relasyon nila ni Bianca?

“Ang masasabi ko lang, sobrang okay kami. Yung relationship namin na nabuo namin, tuluy-tuloy.

“At nandito pa rin ako. Hindi iyon mawawala, para sa kanya.

”Nandoon pa ako sa process na talagang pinapatunayan ko pa iyong sarili ko sa kanya.

“Araw-araw, hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know, getting there,” ang pag-amin ni Dustin. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here