MANILA, Philippines – Inilabas na ng Supreme Court ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11691 o ang Judiciary Marshals Act (Judiciary Marshals IRR).
Ang Judiciary Marshals Act na naging ganap na batas noong 2022 ang tutugon sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng marahas na krimen laban sa mga miyembro ng hudikatura kung saan karamihan ay hindi nareresolba ang kaso.
Layon ng naturang batas na pangalagaan ang mga judges, court personnel, maging ang mga pag-aari ng korte habang pinapanatili ang integridad ng court proceedings.
Sa ilalim ng Judiciary Marshals Act, ang Office of the Judiciary Marshals ay naatasan na sisiguro sa kaligtasan at proteksyon ng mga miyembro ng hudikatura.
Ang Office of the Judiciary Marshals ay may kapangyarihan na mag-imbistiga ng mga banta, magsagawa ng pag-aresto at pagkumpiska at tumulong sa pagpapatupad ng writs at court processes.
“They are also tasked with providing protection to witnesses, including the secure transportation of accused individuals or witnesses when ordered by the court.”
Binibigyan kapangyarihan din ang Office of the Judiciary Marshals na mag-imbistiga ng mga alegasyon ng graft at corruption sa loob ng judicial system.
“To perform these functions, marshals can issue subpoenas, apply for search warrants, administer
oaths, and access public records from other government agencies, all while adhering to the provisions of the Data Privacy Act.” TERESA TAVARES