MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Huwebes, Enero 2, ang bagong parking rates epektibo Enero 14, 2025.
Ayon sa PITX, ang bagong parking rates para sa mga kotse ay nasa P60 para sa unang tatlong oras at karagdagang P15 sa mga susunod na oras.
Ang mga motorsiklo naman ay magkakaroon ng flat parking fee na P60.
Samantala, ang overnight parking sa pagitan ng 1:30 ng madaling araw hanggang alas-5 ng madaling araw ay nagkakahalaga ng P300 na ipapatong sa regular parking fee. RNT/JGC