Home NATIONWIDE Ruta ng daraanan ng Traslacion inilabas na!

Ruta ng daraanan ng Traslacion inilabas na!

MANILA, Philippines – Inilabas na ng pamunuan ng Basilica Minor ng Pambansang Dambana ng Jesus Nazareno ang ruta ng daraanan ng Traslacion sa Enero 9.

Sa ginanap na press conference para sa paghahanda sa Traslacion 2025, sinabi ni Alex Irasga, ang Advicer ng  komite ng Kapistahan ng Quiapo na nasa 5.8 kilometers ang tatahakin ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand patungong Dambana ni Jesus Nazareno.

Ayon kay Irasga, mula sa Quirino Grandstand, kakaliwa sa Katigbak Drive, kanan sa Padre Burgos Street, diretso ng Finance Road at diretso sa Ayala Bridge kaliwa sa Palanca St.

Kanan sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui Street at kanan sa Fraternal Street. Pagsapit sa Duque de Alba Street ay kakaliwa pagkatapos ay kakaliwa sa Castillejos Street at kaliwa sa Farnecio St.

Kakanan sa Arlegui Street, kaliwa sa Nepomuceno Street at kaliwa sa Concepcion Aguila St. at kanan sa Carcer St.

Pagkatapos nito ay kakanan sa Hidalgo sa pamamagitan ng Plaza dell Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo sa pamamagitan ng Gil Puyat, kaliwa sa J.P de Guzman St, kanan sa Hidalgo St, kaliwa sa Quezon Blvd, kanan sa Palanca St  diretso sa ilalim ng  Quezon Bridge, kanan sa Villalobos diretso sa Plaza Miranda patungong Quiapo Church.

Ang pagdiriwang ng Nazareno 2025 ay may temang “Mas mabuti ang pagsunod kaysa Paghahandog sa mga umaasa kay Jesus.”

Ang Traslacion ay katulad pa rin ng ruta ng prusisyon noong nakaraang taon kung saan anim na tulay ang dadaanan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden