Home METRO Bagong partido, inilunsad sa lungsod ng Maynila

Bagong partido, inilunsad sa lungsod ng Maynila

MANILA, Philippines – INILUNSAD ang isang bagong partido na binubuo ng iba’t-ibang sektor na nagsama-samang nananawagan ng pagbabago sa lungsod ng Maynila.

Ang naturang partido ay tinawag na “United Manileños” na itinatag mula sa iba’t ibang sektor kabilang rito ang nagmula sa hanay ng urban poor, senior citizens, mga dating vendor ng naibentang Divisoria mall, at iba pa.

Ayon kay Niño Magno, founder ng United Manileños, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga ordinaryong residente sa lungsod na nananawagan ng pagbabago.

Bagama’t bago palang ang kanilang grupo, umaasa aniya silang lalakas ang kanilang pwersa para magkaroon sila ng boses na maipanawagan ang kanilang mga hinaing.

Nilinaw rin ni Magno na walang pulitiko o sinumang personalidad ang nasa likod nila ngunit aminado aminado ito na kung mabibigyan sila ng pagkakataon, handa silang sumuporta sa mapipili nilang kandidato kung sakali.

Ang official launching ng United Manileños ay ginawa kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Manila Congresswoman at dating Presidential Management Staff Naida Angping. RNT