Home NATIONWIDE Traffic enforcers nakakuha ng malaking bulto ng pera, may-ari pinaghahanap

Traffic enforcers nakakuha ng malaking bulto ng pera, may-ari pinaghahanap

MANILA, Philippines – Nakakuha ng malaking halaga ng salapi ang mga traffic enforcer, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Abril 15.

Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, tinawagan na nila ang may-ari ng salapi para kunin ang pera nito sa opisina sa Pasig City at magdala ng patunay na sa kanya nga ito.

“Yun aming enforcers ay nakakuha ng malaking mahalaga. Iyan po ay tinurn over sa atin. Wala pong IDs na kasama or pagkakakilanlan na magsasabi kung kanino ‘yung pera,” aniya.

“Kami po ay nananawagan doon sa nawalan ng pera na magpunta po personally sa aming tanggapan. Kailangan make sure alam ninyo po ang detalye nitong pera na ito. Saan siya nakalagay magkano, ano ang kasama doon sa pinaglalagyan, saang lugar, anong oras,” dagdag pa ni Artes.

Nagbabala siya sa sinumang magpapanggap na pag-aari nito ang salapi na makakasuhan ang mga ito.

Nakakuha na ang MMDA ng kopya ng CCTV footage para i-validate ang claim. RNT/JGC