Home HOME BANNER STORY Bagong Pilipinas hymn, pledge ipinasasama sa flag-raising ceremony

Bagong Pilipinas hymn, pledge ipinasasama sa flag-raising ceremony

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan, state-owned firms, at state schools and universities na isama ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa kanilang weekly flag ceremony.

Ang Bagong Pilipinas ay ang “branding of governance” ng administrasyon, na ayon sa Malakanyang ay ang “principled, accountable and dependable government” suportado ng isang “active at empowered citizenry.”

Ang Bagong Pilipinas brand na may logo na “interwoven blue at red semi-circles” tila isang uri ng “sphere cradling the sun and 3 stars of the Philippine flag” ay nagamit na simula pa noong Hulyo ng nakaraang taon.

Nilalayon ng pagpapalaganap at pagsama ng Bagong Pilipinas hymn at pledge na “further instill the principles of the Bagong Pilipinas brand of governance and leadership among Filipinos,” ayon sa Memorandum Circular No. 52., nilagdaan ni Marcos Jr. sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Binibigyan nito ng atas ang mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno upang tiyakin na ang Bagong Pilipinas hymn at pledge ay maayos na maipakakalat habang inatasan naman ang Presidential Communications Office na magpatupad ng hakbang para maipabatid ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa publiko.

Ang hymn, “Panahon na ng Pagbabago”, panawagan sa mga mamamayang Pilipino na magtulungan para sa “New Philippines” sa pamamagitan ng pagsisikap.

Panawagan din ito sa mga Pilipino na tangkilikin ang local goods at services, kumilos nang may magandang asal at mamukod-tangi sa kanilang larangan para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Ang pledge, “Panata sa Bagong Pilipinas,” ay isang pangako na mabuhay na naaayon sa “Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng pag-una sa bansa at sa pamamagitan ng pagtatrabaho katuwang ang iba tungo sa national development.

Pangako rin ito na magpartisipa at suportahan ang adbokasiya ng pamahalaan “because development is not just the responsibility of a few.”

“The pledge, which will be required at the national government level and ‘encouraged’ among local government units, also calls on Filipinos to protect and promote the honor, independence and interests of the Philippines,” ayon sa Malakanyang.

Ang “Bagong Pagsilang,” o mas kilala bilang Bagong Lipunan hymn, ay rekisitos na maging bahagi ng school flag ceremonies sa panahon ng Martial Law era ni dati at namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at ginamit at pinatugtog sa campaign events para sa 2022 elections. Kris Jose