Home NATIONWIDE Performance, results based incentives sa burukrasya sinuspinde ni PBBM

Performance, results based incentives sa burukrasya sinuspinde ni PBBM

MANILA, Philippines- Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Results-Based Performance Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System sa gobyerno dahil sa pagdoble at paulit-ulit na usapin na kailangang tugunan.

Sa katunayan, sa ipinalabas na kalatas ng Malakanyang, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 61 noong Hunyo 3 na nagsususpinde sa implementasyon ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at EO No. 80  (s. 2012), at sa lahat ng iba pang kaugnay na issuances o pagpapalabas dahil sa nakabinbin na pagsusuri ng RBPMS at PBI System.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO 61.

Itinatag naman ng AO 25 ang “unified at integrated” RBPMS sa lahat ng departamento at ahensya sa loob ng Ehekutibong sangay ng pamahalaan.

“EO 80 adopted the PBI System —which consisted of a Productivity  Enhancement Incentive (PEI) and the Performance-Based Bonus (PBB) aimed at motivating higher performance, greater accountability in the public sector, and ensuring the accomplishment of government commitments and  targets,” ayon sa Malakanyang.

“The RBPMS and PBI, however, have been ‘duplicative’ and ‘redundant with the internal and external performance audit and evaluation systems of the government,” ayon pa rin sa Malakanyang.

Winika pa ng Malakanyang na ang dalawang sistema ay kulang sa ‘review mechanism’ tungo sa akumulasyon ng mga alituntunin, regulasyon, at pagpapalabas mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa Harmonization of National Government  Performance Monitoring, Information, and Reporting Systems.

“It makes compliance burdensome, bureaucratic, laborious and time consuming for government agencies,” ayon sa Malakanyang.

Ipinag-utos ng Pangulo sa kanyang EO 61 ang masusing pag-aaral ng mga ng RBPMS at PBI.

“It is imperative to streamline, align and harmonize the RBPMS and PBI  System with ease of doing business initiatives, and reform the government performance evaluation process and incentives system towards a more responsive, efficient, agile and competent bureaucracy,” nakasaad sa EO.

Isang Technical Working Group (TWG) ang bubuuin para sa pag-aaral at pagrebisa ng RBPMS at PBI.

Kabilang naman sa TWG ang Budget Secretary bilang chairman at Executive Secretary bilang Co-chair habang ng mga miyembro naman nito ay ang mga Kalihim ng Finance, at National Economic and Development Authority (NEDA) at ang Anti Red-Tape Authority (ARTA) Directors General.

“The  TWG shall integrate, streamline and align the new government performance management system with the government internal audit program and  activities pursuant to RA No. 3456, as amended by RA No. 4177, or the  “Internal Auditing Act of 1962,” and government quality management  systems under AO No. 161 (s. 2006) and EO No. 605 (s. 2007),” batay sa Malakanyang.

Kailangan ding magsumite ang TWG ng komprehensibong report sa natuklasan nito kasama ang rekomendasyon sa Office of the President, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, sa loob ng hindi lalampas sa anim na buwan mula sa pagiging epektibo ng kautusan,

Gayundin, inatasan din ang TWG na magsumite ng transition plan para sa pagkakaloob ng performance-based bonuses para sa Fiscal Year 2023 sa loob ng tatlong buwan mula sa pagiging epektibo ng kautusan. Kris Jose