Home NATIONWIDE Bagong protected area sa Quezon idineklara ni PBBM

Bagong protected area sa Quezon idineklara ni PBBM

270
0

MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang bagong protected area sa San Francisco, Quezon.

Sa bisa ng Republic Act No. 12229 na nilagdaan noong Hulyo 23, idineklarang protected landscape ang 29.6 ektaryang lupain sa San Francisco, Quezon bilang pagkilala sa yaman ng biological resources na matatagpuan lamang sa Mulanay Watershed Forest Reserve. Dagdag din dito ang aesthetic at ecological importance ng lugar.

Ang SFPL ay itinuturing bilang isang national park alinsunod sa National Integrated Protected Areas System (NIPAS), dahil sa natatanging biodiversity at natural na kagandahan ng lugar.

Ayon sa batas, “The State shall ensure the conservation, protection, management, and rehabilitation of the area,” sabay giit na makakamit lamang ito sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan, LGUs, NGOs, pribadong sektor, at mga lokal na komunidad.

Bilang bahagi ng implementasyon, itinatag ang Protected Area Management Board (PAMB) na pamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang PAMB ang siyang mangangasiwa sa pamamahala ng protected area.

Kasabay nito, itinatag din ang isang Protected Management Office para sa araw-araw na operasyon, pangangalaga, at administrasyon ng SFPL.

Bibigyan ng pondo ang SFPL sa pamamagitan ng trust fund na maaaring pondohan mula sa kita ng lugar, gayundin mula sa mga donasyon, grants, at endowments mula sa lokal o dayuhang pinagmulan.

Sa kabuuang kita, 75% ay mananatili sa Protected Area-Retained Income Account na idedeposito sa isang government bank sa lokalidad, habang ang natitirang 25% ay ilalagay sa isang special account sa General Fund ng National Treasury.

Ang pondong ito ay gagamitin lamang para sa protection, maintenance, administration, and management ng NIPAS at mga proyektong inaprubahan ng PAMB, alinsunod sa mga umiiral na regulasyon.

Na-upload ang kopya ng batas sa Official Gazette noong Biyernes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here