Home NATIONWIDE 2 patay sa La Union sa bagyong Emong

2 patay sa La Union sa bagyong Emong

326
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa lalawigan ng La Union sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Emong, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na inilabas alas-9 ng umaga nitong Sabado, Agosto 2.

Isa sa mga nasawi ay nalunod, habang ang isa pa ay namatay matapos tamaan ng bumagsak na puno sa kanilang bahay.

Kabuuang 128,402 pamilya o 370,624 indibidwal ang naapektuhan sa mga bayan ng Bacnotan, Balaoan, Bangar, Luna, San Gabriel, Santol, Sudipen, Agoo, Aringay, Bagulin, Bauang, Burgos, Caba, Naguilian, Pugo, Rosario, Santo Tomas, Tubao, at sa Lungsod ng San Fernando.

Sa bilang na ito, 2,660 pamilya o 8,372 indibidwal ang nananatili sa 269 evacuation centers, habang 1,818 pamilya o 6,115 indibidwal ang pansamantalang nakikituloy sa mga kamag-anak o kaibigan.

Naibalik na ang suplay ng kuryente sa pitong bayan, habang patuloy ang pagsasaayos sa iba pang lugar.

Naitala rin ang 4,122 na nasirang kabahayan at 33,332 na bahagyang nasira.

Nagsimula na ang pamahalaang panlalawigan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan, sa pamamahagi ng unang batch ng relief packs na may lamang pagkain at hygiene kits.

Ayon sa Provincial Information Office (PIO), kasalukuyang inihahanda ang panibagong batch ng food packs para sa susunod na round ng relief operations.

Noong Miyerkules, pinangunahan ni Governor Mario Eduardo Ortega ang aerial inspection sa mga apektadong lugar kasama ang Office of the Civil Defense at Armed Forces of the Philippines upang matukoy ang lawak ng pinsala at mga pangangailangan ng mga naapektuhan.

Iniutos din ni Ortega sa Provincial Engineering Office ang agarang pagtulong sa mga LGU sa pag-alis ng mga debris at natumbang puno, gayundin sa pagsasaayos ng mga nasirang poste ng kuryente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here