Home METRO Bagong silang na sanggol, natagpuan sa ecobag sa CDO

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa ecobag sa CDO

215
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuang iniwan sa ecobag sa bubong ng isang bahay sa Barangay Canitoan, Cagayan de Oro City, hatinggabi ng Huwebes.

Ayon kay Barangay Councilman Roel Taboclaon, nakabalot pa sa ecobag ang sanggol at nakakabit ang pusod. “[Nandoon] siya sa ibabaw ng bubong ng isang bahay pero hindi namin siya nakuha sa harap kaya doon kami dumaan sa gilid. Inakyat naming barangay police,” ani niya.

Dinala ang bata sa ospital, at ayon kay Dr. Erica Joyce Alfonso ng Calaanan Health Center, “So far, inalagaan naman siya at nakausap na rin ni Kapitan at naibigay na ang mga kailangan ng baby. Stable naman po ang baby.”

Iniimbestigahan na ng barangay kung sino ang nag-iwan ng sanggol. Ayon kay Barangay Captain Lancelot Padla, may listahan ng 14 ina na magbubuntis ngayong buwan, at kanilang sinusuri kung sino ang may kinalaman.

Napag-alaman rin na ito na ang ikatlong pagkakataon na may sanggol na iniwan sa barangay. Ani Padla, “Ito, gawain ito ng isang tao na wala sa tamang pag-iisip kasi walang ina ang makakagawa nito kung wala siyang pinagdadaanan na problema.”

Nangako ang barangay na aalagaan at bibigyan ng pangangailangan ang sanggol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here