Home METRO Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa ilog sa Isabela

Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa ilog sa Isabela

1
0

SAN PABLO, Isabela – Patay nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol na babae sa ilog sa Barangay Auitan, San Pablo, Isabela.

Ayon kay PCapt. Pedro Allam, hepe ng San Pablo Police Station, isang mangingisda ang unang nakakita sa bangkay ng sanggol bandang alas-9:17 ng umaga.

“Malapit na sa pampang, nasa may tubig mismo. Walang damit ‘yung sanggol,” pahayag ni Allam.

Batay sa paunang pagsusuri ng pulisya, nakakabit pa ang pusod ng sanggol kaya pinaniniwalaang bagong silang lamang ito.

Sinisilip ng mga imbestigador ang posibilidad na naanod ang sanggol o sadyang iniwan sa ilog.

Samantala, pinangalanang “Maria” ang sanggol at inilibing sa pampublikong sementeryo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng kanyang mga magulang at ang mga pangyayari bago ito natagpuan.

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.

(Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here