Home NATIONWIDE Bagong ‘stock market scam’ ibinabala ng BI

Bagong ‘stock market scam’ ibinabala ng BI

266
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes laban sa isang bagong stock market scam na gumagamit ng pekeng trading platforms na kontrolado ng mga kriminal na sindikato.

Ayon sa BI, pinipilit ang mga biktimang Pilipino na hikayatin ang kapwa Pilipino na mamuhunan sa mga pekeng investment. Ang mga hindi sumusunod o nabibigong makaabot sa quota ay dumaranas umano ng pisikal at sikolohikal na pang-aabuso, pananakot, at pagpapahirap.

“These criminal groups are ruthless. They deceive Filipinos with promises of high-paying jobs and easy money, then subject them to abuse once they are trapped,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

“Let this serve as a strong warning: no legitimate employer will require you to scam your own countrymen or invest through unofficial platforms,” dagdag niya.

Sinabi ng BI na walong Pilipino na may edad 20 hanggang 30 ang nailigtas at naibalik sa bansa noong Disyembre 31 matapos mabiktima ng human trafficking sa pamamagitan ng online recruitment at social media. Mayroon ding 19 pang Pilipino na inuwi mula Cambodia sa parehong araw, kabilang ang apat na dumaan sa backdoor route sa Palawan.

Nanawagan si Viado sa publiko na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang alok ng trabaho at investment online, at tiniyak na patuloy ang koordinasyon ng BI sa mga awtoridad upang buwagin ang mga scam syndicate. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here