Home NATIONWIDE Bagong tranches sa salary hike ng gov’t workers suportado ni Bong Go

Bagong tranches sa salary hike ng gov’t workers suportado ni Bong Go

Nagpahayag ng pagsuporta si Senador Christopher “Bong” Go sa panukalang paggamit sa excess fund upang ipatupad ang bagong tranche ng salary increase ng mga empleyado ng gobyerno.

Pinuri ng senador ang Department of Budget and Management sa hakbang na ito na naaayon sa kanyang inihain na panukalang batas na nagmumungkahi ng Salary Standardization Law (SSL) 6.

Noong nakaraang taon, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2504, o ang “Salary Standardization Law VI,” na naglalayong buuin ang mga probisyon ng naunang pinagtibay na Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law (SSL) 5 na siya rin ang may-akda at co-sponsor sa Senado noong 2019 at ipinatupad mula 2020-2023.

“Even without the passage of the proposed new law, we welcome this development initiated by the executive to fund and implement a new tranche of salary increases for government employees,” sabi ni Go.

“Pagkilala ito sa serbisyo ng mga ordinaryong kawani ng gobyerno na nagsasakripisyo upang magsilbi sa bayan. Malaking tulong ito sa mga empleyado sa pampublikong sektor para malampasan ang mga hamon tulad ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” dagdag niya.

Sa pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, nilinaw ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga legal na batayan at mga benepisyo ng paglilipat ng mga hindi nagamit na pondo mula sa iba’t ibang entidad ng gobyerno upang mapabuti ang public welfare at priority services, kabilang ang pagtataas ng kompensasyon sa public sector.

“Ito po ang listahan ng mga proyekto at programang popondohan… Napakarami po niyan. Ilan dito ay ang halimbawa, Davao City Bypass Construction Project, Samal Island-Davao City Connector Project, Panay-Gimaras-Negros Island Bridges, Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, Metro Manila Subway Project, Salary Standardization 6 na may halagang 40 billion para sa empleyado ng pamahalaan,” banggit ni Recto.

Sa kanyang bahagi, inulit ni Go ang kanyang apela sa mga ahensya na i-maximize ang kanilang magagamit na badyet upang mapabuti ang mga serbisyo nito na ang makikinabang ay mga mahihirap at nangangailangang sektor.

Sa partikular, hiniling niya sa PhilHealth na gamitin nang maayos ang mga pondo nito para palawakin ang benefits packages nito, increase rate case, at tuklasin ang pagpapababa ng kontribusyon ng mga miyembro.

Dagdag pa niya, kung mayroong labis na pondo na katulad ng kaso ng PhilHealth, dapat tiyakin ng finance managers at mga opisyal ng ahensya na magagamit ang mga ito para sa layunin nitong mapabuti ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan at isulong ang kapakanan ng pangkalahatang publiko