MANILA, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na ang pagbili ng bago at modernong vote counting machines (VCMs) ay makakabawas sa mga isyu kaugnay ng vote buying.
Sinabi ni Comelec chairperson George Edwin Garcia na bahagi ng budget allocation ang pagbili ng mga bagong VCM na magiging mas transparent sa publiko.
“There will be a (centralized and unified) data center that would instantly show instant results in every precinct,” sabi ni Garcia.
Isang pangunahing feature sa bagong VCM ay ang 14-inch viewing screen na nagpapakita ng lahat ng balota ng mga botante at lahat ng stakeholders ay papayagang itong makita.
“This will answer the public’s question on whether their votes were counted,” ani Garcia.
Sa pamamagitan ng transparency feature na ito, ang mga political operator ay hindi hinihikayat na bumili ng mga boto dahil ipapakita nito kung paano pinipili ng mga botante ang kanilang mga kagustuhan nang hindi inilalantad ang kanilang mga pagkakakilanlan.
Sinabi ni Garcia na ang pagbili ng mga bagong VCM ay bahagi ng pananaw ng Comelec na “pagpapahusay ng demokrasya sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.” Jocelyn Tabangcura-Domenden