Home NATIONWIDE Bagsak na grado, ibinigay ng CSOs sa ADB sa usapin ng klima,...

Bagsak na grado, ibinigay ng CSOs sa ADB sa usapin ng klima, katarungan, transparency

311
0
filter: 0; jpegRotation: 0; fileterIntensity: 0.000000; filterMask: 0; module:1facing:0; hw-remosaic: 0; touch: (-1.0, -1.0); modeInfo: ; sceneMode: Night; cct_value: 0; AI_Scene: (-1, -1); aec_lux: 0.0; hist255: 0.0; hist252~255: 0.0; hist0~15: 0.0;

MANILA, Philippines – Binigyan ng Civil Society Organization  ng bagsak na grado ang Asian Development Bank (ADB) sa isinagawa nitong 2025 Policy Review, kasabay ng paggunita sa ika-sampung taon mula nang lagdaan ang Paris Climate Agreement.

Sa ginanap na press conference kanina Nobyembre 20, 2025  (Huwebes) naglabas ng scorecard ang NGO Forum at ang mga kaalyado nitong CSOs sinabi ng forum na “bagsak” ang ADB sa climate leadership, pagprotekta sa karapatang pantao, at pagbibigay makabuluhang partisipasyon sa publiko.

Sinabi ni Marjorie Pamintuan ng Recourse na ikinalulungkot din nito na sa usapin ng ADB Energy Policy review halos napakaliit ng porsiyento ang nakamit ng bansa kung pagu-usapan ang  panalo sa usapin ng energy policy dahil halos hindi ito nararamdaman ng bansa.

“Napakaliit na porsyento na masasabi nating panalo ang bansa kapag ang usapin ay energy policy review sa (ADB) “ ayon kay Pamintuan.

Nabatid pa sa forum para sa bansang lubhang bulnerable gaya ng Pilipinas, araw araw na realidad ang krisis sa klima, Nitong 2025 tinatayang apat na milyong pamilya ang naapektuhan at sapilitang lumikas dahil sa bagyong Ragasa (super typhoon mando) patunay sa kagyat na pangangailangan para  sa mas maigting na aksyon sa klima.

Kaugnay nito sinabi ni Maya Quirino ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) mahigpit ang kanilang pagtutol sa mining na siyang sumisira sa ating mga kabundukan at likas na yaman.

“Dapat wag ng pumasok ang ADB sa mapaminsalang mining at hindi nakukunsulta ang ating mga katutubo sa usapin ng pagmimina” sinabi pa  Quirino.

Idinagdag pa ng grupo na malabnaw ang proseso ng pagsusuri ng ADB at ang mga iminungkaing pagbabago sa EPR, at hindi umano nito napoprotektahan ang mga komunidad na pinakalubhang tamaan ng epekto ng pagbabago ng klima.

Samantala kinundena din ng grupo ang ADB sa umano’y paglabag nito sa sarili nitong Access to Information Policy at pangako sa makabuluhang konsultasyon. Huli na umanoing inilabas ang mahahalagang dokumento ukol sa EPR, naging limitado at piling-pili ang konsultasyon at hindi rin isinama nang maayos ang mga isyu  at rekomendasyon ng publiko. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here