MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Southwest Monsoon o Habagat at Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Cagayan sa ilang lugar ngayong Lunes, base sa PAGASA. Samantala, nakaambang pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes.
Inaasahan sa northern portion ng Palawan, Occidental Mindoro, Aklan, Antique, at Negros Occidental ang monsoon rains dahil sa Southwest Monsoon na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Makararanas ang natitirang bahagi ng MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region ng panaka-nakang pag-ulan dahil sa monsoon.
Magkakaroon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa LPA.
Posible namang makaranas ang Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Caraga, Northern Mindanao, at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon.
Magkakaroon ang natitirang bahagi ng Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa monsoon.
Hanggang alas-3 ng madaling araw nitong Lunes, ang LPA ay tinatayang 375 km east northeast ng Casiguran, Aurora o 400 km east ng Tuguegarao City, Cagayan.
Ang coastal waters ay magiging “rough” sa Visayas, western section ng Southern Luzon, at sa western, northern, at eastern sections ng Mindanao, at moderate to rough sa natitirang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao.
Iiral sa natitirang bahagi ng Luzon ang slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw ng alas-5:45 ng umaga at lulubog ng alas-5:57 ng hapon.
Samantala, inihayag ng PAGASA na lumakas ang tropical depression sa labas ng PAR bilang tropical storm na may international name “Pulasan”.
Hanggang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ni Pulasan ay tinatayang 2,215 km east ng Southeastern Luzon.
Si Pulasan ay may maximum sustained winds na “65 km/h near the center, gustiness of up to 80 km/h, and central pressure of 998 hPa.”
Kumikilos ito sa direksyong north northeastward sa bilis na 20 km/h.
Batay sa forecast track ni Pulasan, makikitang hindi ito direktang makaaapekto saan mang parte ng bansa.
Base sa PAGASA, inaasahang papasok si Pulasan sa PAR sa Martes ng gabi at lalabas ng PAR sa Miyerkules ng umaga. RNT/SA