Home NATIONWIDE Plenary debates ng Kamara sa P6.352T budget gugulong ngayong Lunes

Plenary debates ng Kamara sa P6.352T budget gugulong ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Sisimulan ng  Kamara ang plenary debates sa panukalang P6.352 trilyong 2025 national budget ngayong Lunes.

Sa ilalim ng budget deliberation schedule ng Kamara, naglaan ito ng walong araw para sa plenary debates, na magsisimula ng alas-10 ng umaga.

Nakatakda nitong ipasa ang proposed budget sa Sept. 25, pagkatapos talakayin ang pondo para sa Department of Public Works and Highways, Office of the President at Kamara.

Pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Linggo ang House Committee on Appropriations sa pagtatapos ng mga hearing noong nakaraang linggo, na nagbibigay-daan sa plenary debates sa panukalang budget na sumusuporta sa Bagong Pilipinas (New Philippines) agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“It will be our instrument in directly helping the poor through various social protection, financial aid and medical programs, and in keeping food prices down, particularly the price of rice which has fallen to PHP42 a kilo,” aniya sa isang news release. RNT/SA