Home HOME BANNER STORY Bagyo sa labas ng PAR, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng...

Bagyo sa labas ng PAR, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng VisMin

3
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa trough o buntot ng Tropical Storm Mekkhala, ayon sa PAGASA nitong Sabado ng madaling araw.

Apektado ng mga pag-ulan ang Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Bandang alas-3 ng umaga, namataan ang Mekkhala sa layong 1,665 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon. Kumikilos ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras, taglay ang 75 kph na lakas ng hangin at pagbugsong aabot sa 90 kph.

Kapag nakapasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), tatawagin itong Bagyong Francisco. Inaasahang mangyayari ito mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga.

Ayon sa PAGASA, “A landfall scenario is less likely at this time,” kaya mababa pa sa ngayon ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bansa.

Samantala, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorm ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region dahil sa easterlies.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may mga panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Inaasahan naman ang mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon sa mga baybayin sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here