Home HOME BANNER STORY Bagyong Betty humina pa, Signal No. 1 sa Batanes na lang

Bagyong Betty humina pa, Signal No. 1 sa Batanes na lang

MANILA, Philippines – Patuloy pang humina ang bagyong Betty habang kumikilos palabas ng Philippine area of responsibility.

Sa 5 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Betty sa layong 505 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyong Betty ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 135 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras sa direksyong pa-hilaga.

Nakataas na lamang ang Tropical Cyclone Wind Signak No. 1 sa Batanes.

Samantala, makararanas pa rin ng 50 hanggang 100mm ng ulan ang La Union, Benguet, Ilocos Sur at timog na bahagi ng Abra.

Bagama’t lumalayo na ang bagyo sa bansa, uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon o habagat kabilang ang hilagang bahagi ng Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at hilagang bahagi ng Samar. RNT/JGC

Previous articleLotto Draw Result as of | June 1, 2023
Next articleJoey, may cryptic post!