Home ENTERTAINMENT Joey, may cryptic post!

Joey, may cryptic post!

Manila, Philippines – Maraming katanungang nanghihingi ng kasagutan makaraang mamaalam ang iconic comic trio nina Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon sa Tape, Inc. pruducer ng Eat Bulaga nitong May 31, Miyerkoles.

Hindi kasi malinaw sa mga masugid nitong tagapanood kung ang TVJ ba’y nagpaalam lang sa Tape, Inc. o sa mismong programa.

Sa YouTube at Facebook bago mag-ala una ng hapon napanood ang naturang pamamaalam ng TVJ dahil hindi raw sila pinayagang umere nang live ng bagong pamunuan nito.

Ang tinutukoy na siyang humarang sa kanilang live episode ay ang pamilya Jalosjos who has taken control over the longest-running noontime program.

Ito’y binubuo ng patriarch na si Romeo Jalosjos at tatlong anak na si dating House Representative Romeo Jr., Dapitan City Mayor Bullet at Soraya.

Sa halip ay mga lumang episodes ng EB ang umere gayong nilinaw ni Tito na lahat silang mga hosts ay nagreport sa trabaho ng araw na ‘yon.

Kagyat namang may cryptic post si Joey de Leon sa Instagram.

Aniya: “We’re not signing off…we’re just taking a day off!”

Sinang-ayunan naman ito ng anak ni Joey na si Jako na nagpost ng larawan ng TVJ.

Wala itong caption na nagpapahiwatig na tapos na ang maliligayang araw ng EB.

Ani Jako, kahit daw saan ito mapadpad ay tuloy ang programang naghahatid ng isang libo’t isang tuwa.

Naiulat din namin dito sa Remate Online na “done deal” na ang napipintong paglipat ng EB sa TV5.

Sa katunayan, naplantsa ang plano ilang araw bago ang malaking anunsyo tungkol sa pamamaalam ng TVJ sa Eat Bulaga.

Maraming nakabinbing tanong ang publiko tulad ng kailan mapapanood ang EB sa lilipatan nilang network?

In its absence, ano naman kaya ang ipalalabas ng GMA?

Sama-sama nating abangan! Ronnie Carrasco III

Previous articleBagyong Betty humina pa, Signal No. 1 sa Batanes na lang
Next articleChavit, sinabing naubos ang kabang-yaman ni Pacman!