Home NATIONWIDE Bagyong Julian, lumakas pa; 4 lugar nakasailalim sa signal no. 2

Bagyong Julian, lumakas pa; 4 lugar nakasailalim sa signal no. 2

MANILA, Philippines – Lumakas pa si bagyong Julian bilang isang super typhoon at ngayon ay mabagal na kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran habang nakataas ang signal No. 2 sa apat na lugar, ayon sa pinakabagong Tropical Cyclone Bulletin na nai-post ng PAGASA.

Ang sentro ng mata ni Julian (international name: Krathon) ay  na nasa layong 205 kilometro sa kanluran ng Itbayat, Batanes na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kph, bandang alas-4 ng hapon.

Si Julian ay gumagalaw pakanluran hilagang-kanluran nang mabagal.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ay itinaas alas-5 ng umaga sa mga sumusunod na lugar:

-Batanes;

-Babuyan Islands;

-ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Bacarra, Pasuquin, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Dumalneg, Adams); at

-ang hilagang-kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira).

Itinaas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

-ang natitirang bahagi ng Ilocos Norte;
-Ilocos Sur;
-La Union;
-Pangasinan;
-Apayao;
-Kalinga;
-Abra;
-Mountain Province;
-Ifugao;
-Benguet;
-ang natitirang bahagi ng mainland Cagayan;
-Isabela;
-Quirino;
-Nueva Vizcaya;
-ang hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan); at
-ang hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan).

Magiging mabagyo ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa Super Typhoon Julian na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa malakas hanggang sa matinding pagbuhos ng ulan. Magkakaroon ng minor hanggang katamtamang banta sa mga buhay at ari-arian dahil sa malakas na hangin.

Ang nalalabing bahagi ng Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin dahil din kay Julian na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay matinding pag-ulan. Maliit hanggang maliit na banta sa mga buhay at ari-arian dahil sa malakas na hangin ay maaaring asahan. RNT