MANILA, Philippines – Tuluyan nang umusad sa semifinals ng PBA 49th Season Governors’ Cup ang Barangay Ginebra matapos walisin sa best-of-five series quarterfinals ang naabusan ng boltahe na Meralco Bolts.
Na-sweep ng Ginebra ang Bolts sa kartadang 3-0 sa iskor na 113-106 sa Game 3 na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng GinKings ang pambatong import na si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points kasama ang dalawang four points.
Umambag din sina Japeth Aguilar at Stephen Holt ng tig-19 points habang natala rin ng tig-17 points sina RJ Abarrientos at Maverick Ahanmisi.
Nauwi sa wala ang isinalpak na 38 points at 13 rebounds ni Allen Durham habang mayroong 10 points si Bong Quinto para sa Bolts.
Aminado si Ginebra head coach Tim Cone na hindi nila inaasahan ang na masisweep nila ang Bolts sa quarterfinals series.
Haharapin ng Ginebra ang magwawagi sa pagitan ng San Miguel Beermen o Converge.JC