Ang Bagyong Marce ay namataan sa ibabaw ng dagat kanluran ng Ilocos Norte, na may limang lugar na nasa ilalim pa rin ng Signal No. 4, at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin na inilathala ng PAGASA noong Biyernes ng umaga.
Ang sentro ng Bagyong Marce ay tinatayang nasa ibabaw ng baybayin ng Pasuquin, Ilocos Norte na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kph at kumikilos pakanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar:
-Ilocos Norte
-the northernmost portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)
-the northern portion of Abra (Danglas, Lagayan, Tineg)
-the northwestern portion of Apayao (Calanasan)
-the northwestern portion of mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
Habang nakataas ang TCWS No. 3 sa:
-the northern and western portions of Cagayan (Piat, Santo Niño, Rizal, Aparri, Lasam, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Allacapan, Pamplona, Abulug, Ballesteros)
-the rest of Apayao
-the central portion of Abra (Lacub, San Juan, La Paz, Bangued, Langiden, San Quintin, Pidigan, Malibcong, Peñarrubia, Bucay, Licuan-Baay, Lagangilang, Dolores, Tayum, Sallapadan, San Isidro)
-the northern portion of Ilocos Sur (Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Nagbukel, Magsingal, San Juan)
Ang TCWS No. 2 naman ay nakataas sa: