MANILA, Philippines – Nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa Tropical Depression Mirasol, na huling namataan 165 km kanluran ng Calayan, Cagayan nitong Huwebes ng madaling araw, ayon sa PAGASA.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph at bugso hanggang 70 kph. Sakop ng Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands, bahagi ng Cagayan, Apayao, hilagang Abra, Ilocos Norte, at hilagang Ilocos Sur.
Nagdadala rin ng malalakas hanggang gale-force na bugso ang Habagat sa La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Benguet, Mimaropa, Quezon, Bicol Region, at Western Visayas. Inaasahan ang katamtamang taas ng alon sa mga apektadong baybayin kaya pinaalalahanan ang maliliit na sasakyang pandagat.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw si Mirasol.
Samantala, pumasok na rin sa labas ng PAR ang isa pang bagyo na pinangalanang Nando, ngunit hindi ito makakaapekto sa panahon sa susunod na 48 oras, bagaman posible nitong palakasin ang Habagat sa weekend. RNT