MANILA, Philippines – Tatlong high-value target ang naaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkoles, kung saan nakumpiska ang ₱1.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ng Cavite police ang mga suspek sa alyas na “Owen,” “Sop,” at “Jen,” pawang mga residente ng lungsod. Nakumpiska sa operasyon sa Barangay Datu Esmael ang halos 250 gramo ng shabu at ang buy-bust money.
Ayon kay Col. Ariel Red, acting director ng Cavite Police, patunay ito ng kanilang paninindigan na protektahan ang mga komunidad laban sa droga. Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT