Home METRO Bigtime tulak timbog sa P1.5M tobats sa Masbate

Bigtime tulak timbog sa P1.5M tobats sa Masbate

267
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang 40-anyos na high-value target sa Barangay Pating, Masbate City nitong Martes, kung saan nasamsam ang mahigit ₱1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ni PRO-5 Director Brig. Gen. Nestor Babagay Jr. ang suspek bilang si “Alex,” residente ng Masbate City na matagal nang minamanmanan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nakumpiska mula sa kanya ang anim na malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 222 gramo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at kasalukuyang nakadetine sa Masbate City Police Station.

Pinuri ni Babagay ang operasyon at iginiit na patuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga. Nagsasagawa rin ng follow-up investigation para matunton ang mga kasabwat at pinagmulan ng droga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here