Home NATIONWIDE Bagyong Paolo, lumakas pa; 22 lugar, Signal no. 1

Bagyong Paolo, lumakas pa; 22 lugar, Signal no. 1

382
0

MANILA, Philippines – Lumakas na bilang tropical storm ang bagyong Paolo, na naglagay sa 22 lugar sa ilalim ng Signal No. 1, ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

Kabilang dito ang:

Mainland Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
the northern portion of Zambales (Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
Tarlac
Nueva Ecija
Aurora
the northern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso)
the northern portion of Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba, Mabalacat City)
the northern portion of Quezon (General Nakar) including Polillo Islands
the northern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga)

Alas-4 ng madaling araw, namataan si Paolo sa layong 705 km silangan ng Infanta, Quezon, taglay ang hanging 65 kph at bugso hanggang 80 kph habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahang lalo pa itong lalakas at tatama sa kalupaan ng Isabela o hilagang Aurora sa Biyernes ng umaga, tatawid ng Hilagang Luzon at lalabas ng PAR pagsapit ng Sabado.

Magdadala ito ng ulan at malalakas na hangin sa Catanduanes, Aurora, Quirino, at Isabela, habang magdudulot naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera, Bicol Region, Nueva Ecija, at Bulacan.

Maaaring makaranas ng localized thunderstorms ang nalalabing bahagi ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here