TALAGANG walang sinasanto ang mga pwersa ng kalikasan, lalo na ang matitindi gaya ng malalakas na bagyo, lindol at ulan.
Kung mamerwisyo ang mga ito ay gayon na lamang.
‘Yun bang === pumapatay ang mga ito ng maraming tao at maraming ari-arian at perwisyo rin sa iba pang mga bagay gaya ng pag-aaral ng mga bata, kalusugan at iba pa.
Kahit magdasal ka nang magdasal din sa mga santo, walang pakik ang mga lindol at bagyo.
Ang lindol, parang isang magnanakaw na dumarating nang wala sa oras para maminsala at ang bagyo, nalalaman man ang pagdating, kapag maminsala ay gayun na lamang.
Itanong niyo pa sa mga sinagasaan ng mga superbagyong Nando, Marisol at Signal No. 4 Opong at ang lindol sa Kabisayaan kamakalawa lamang.
Ang malalakas na bagyo, pinalilipad ang mga bubong at ginigiba hindi lang ang mga bahay kundi maging ang mga simbahan, kasunod ng pagkabaha rin maging ng mga simbahan.
Gaya ng naganap na magnitude 6.9 sa Kabisayaan, gumiba ito ng mga simbahan, kasama ang maraming tahanan at iba pang mga gusali.
Ang pinakamasakit, mga Bro, halos aabot sa 30 ang pinatay ng mga nasabing bagyo at baha nila, samantalang habang tinitipa natin ito, may 69 nang napaulat na patay sa lindol.
MABILIS, AGARANG TULONG
Aabot ng mga buwan o taon, mga Bro, ang pagbangon ng mga biktima ng mga lindol, bagyo at baha.
Sobrang tibay na lang ang dibdib mo kung hindi ka maiyak at maluha sa kalagayan ng mga biktima ng mga kalamidad na dulot ng masasamang kalikasan.
Bukod sa pagkawala ng mahal nila sa buhay dahil sa kamatayan o pagka-missing o pagkasugat o pagkasakit nang malala, naririyan din ang aabot sa maraming buwan ang muling pagbabalik ng mga nawasak na tahanan, eskwela, pagtatayo ng mga elektrisidad, internet, hanapbuhay, pananahanan sa mga evacuation center at iba pang kailangan na kailangan ng mga biktima.
At hindi lang paisa-isa ang mga biktima kundi libo-libo.
Dahil sa lahat ng ito, walang dapat na aksayahing oras ang mga kinauukulan, lalo na ang gobyerno.
CALAMITY FUND VS KORAP FUND
Bukod sa pagdedeklara ng mga state of calamity na nagbabawal ng pagpapamahal ng lahat ng mga pangunahing bilihin, dapat na sabay-sabay na kikilos ang lahat mula sa nasyunal hanggang sa mga barangay na pamahalaan.
Ilabas ang lahat ng mga calamity fund na hawak ng mga ito at maghanap ng iba pang mga pondo kung kinakailangan sa pagkaubos ng mga ito.
Kung nareremedyuhan ang mga pondo para lang nakawin ng mga korap at mandarambong, dapat na higit maremedyuhan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng sapat na pondo sa mga kailangang emergency at rehabilitasyon ng mga nasalanta.
Sa partikular, ilabas lahat ang mga bigas na malapit nang mabulok o malaon na siyang ibinebenta sa P20 kada kilo at mabilis na ihatid sa mga nagugutom na talaga namang nawalan na ng kakayahang bumili maski ng murang bigas.
Ang isang maliit o malaking bagay na ating mapupulot kapag maipon, maging napakalaking bagay para sa maibsan ang gutom, uhaw, kawalan ng mahihigaan at sayang na oras






