MANILA, Philippines – Hindi makakaapekto ang Bagyong Shanshan, na ngayon ay nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, taglay ng Bagyong Shanshan ang lakas ng hangin na 120 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 150 kilometro kada oras.
Namataan ito sa layong 1,980 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
Inaasahang gagalaw ang bagyong Shanshan sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Sa update, sinabi ng PAGASA na masyadong malayo mula sa Pilipinas ang bagyo para makaapekto sa alinmang bahagi ng bansa.