Home HOME BANNER STORY Intel funds ng ilang gov’t agencies bubusisiin sa pagtakas ni Alice Guo

Intel funds ng ilang gov’t agencies bubusisiin sa pagtakas ni Alice Guo

MANILA, Philippines – Bubusisiin ng House appropriations committee ang ilang mga ahensya ng pamahalaan sa paggamit ng mga ito ng intelligence funds at kung bakit nakatakas pa rin si dating Bamban Mayor Alice Guo sa kabila ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa kanya.

“Congress takes the allocation and use of intelligence funds very seriously. The escape of former Mayor Alice Guo despite an immigration lookout bulletin is an incident of great concern,” sinabi ni appropriations committee chair at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co nitong Sabado, Agosto 24.

Iginiit ni Co na ang mga ganitong “lapses” ay dapat na hindi na maulit dahil mayroong sapat na alokasyon para sa intelligence operations.

“Kailangang siguruhin nating ang bawat piso ng intelligence funds ay nagagamit nang tama at epektibo. We want to prevent these lapses from happening again by ensuring stronger oversight and accountability,” dagdag pa ni Co.

Bago rito, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na posibleng may tumulong kay Guo para makaalis ng bansa.

Ani PAOCC spokesperson Winston Casio, “as far as the PAOCC is concerned, we are confident that she is trying to get into the Golden Triangle.”

Sa ngayon, naniniwala ang Bureau of Immigration na si Guo ay nasa Indonesia pa rin.

Samantala, iginiit ni Co na mahalaga ang pagsusuri sa intel funds dahil mayroon pa ring mga pinaghahanap na iba pang high profile personalities.

“Isama na din natin ang kaso nina Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dating BuCor Chief Gerald Bantag, na hanggang ngayon’y ‘di pa rin nahuhuli. These incidents are alarming because they raise serious questions on use of funds for security and law enforcement,” dagdag ni Co.

Nitong Biyernes, pinuna ni Senador Sherwin Gatchalian kung paano nakatakas si Guo sa kabila na bilyon-bilyon ang inilalaan para sa intelligence funds.

“What happens to billions of intelligence funds? Bakit nakalusot ang isang Alice Guo sa kanilang pagmomonitor? Nakakadismaya dahil hanggang ngayon hindi pa natin alam paano nakalabas,” dagdag ni Gatchalian.

“This does not boost confidence because there are a lot of others who are yet to be located… That is something that I will ask about during the upcoming budget season. What happened to our billions of intelligence fund? Hindi makita kung paano ginagamit,” dagdag pa nito. RNT/JGC