Home NATIONWIDE Bagyong Verbena lumakas pa; Calamian, Palawan, Signal no. 2

Bagyong Verbena lumakas pa; Calamian, Palawan, Signal no. 2

256
0

MANILA, Philippines – Lumakas pa ang Tropical Storm Verbena habang kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa Philippine Sea, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules.

Nananatiling nakataas ang Signal No. 2 sa Calamian Islands at sa hilagang bahagi ng mainland Palawan, kabilang ang El Nido at Taytay.

Signal No. 1 naman ang umiiral sa Occidental Mindoro at sa hilaga at gitnang bahagi ng Palawan—Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City—pati na sa Cuyo at Kalayaan Islands.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 130 kilometro kanluran ng Coron, Palawan, kumikilos sa bilis na 25 km/h at may lakas ng hangin na 85 km/h at bugso na umaabot sa 105 km/h.

“It must be emphasized that heavy rainfall and severe winds may still be experienced in localities outside the landfall point and the forecast confidence cone,” ayon sa PAGASA.

Kikilos ang Verbena pa-kanluran hilagang-kanluran sa West Philippine Sea sa Miyerkules ng umaga, bago lumihis pa-kanluran at dadaan sa hilaga ng Kalayaan Islands mamayang hapon hanggang gabi.

Inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng umaga at magpapatuloy pa-kanluran timog-kanluran hanggang Biyernes, bago tumungo pa-hilaga kanluran at hilagang-hilagang kanluran patungong silangang bahagi ng Vietnam.

Ayon sa PAGASA, maaaring umabot ang Verbena sa severe tropical storm category sa Miyerkules ng hapon at lalo pang lalakas hanggang Huwebes, bago humina dahil sa epekto ng Northeast Monsoon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here