MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang ilang lugar sa Visayas at Luzon dahil sa easterlies at Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa Eastern Visayas.
Amihan naman ang makakaapekto sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, MIMAROPA, at Quezon na maaaring magresulta sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dala ng Amihan.
Habang easterlies ang magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC