JAPAN – Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang southwestern Japan nitong gabi ng Lunes, Enero 13.
Dahil dito ay naglabas ng tsunami advisory ang mga awtoridad sa Japan, ngunit sinabi ng PHIVOLCS na wala itong banta sa Pilipinas.
Naglabas ng abiso ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa tsunami na may taas na hanggang isang metro matapos na tumama ang lindol sa Miyazaki prefecture sa Kyushu region bandang 9:19 ng gabi, oras sa Pilipinas.
Binago ng US Geological Survey ang magnitude mula 6.9 ay ginawang 6.8, at sinabing “there is no tsunami threat from this earthquake.”
Sa kabila nito ay hinimok pa rin ng JMA ang publiko na lumayo sa mga dalampasigan.
“Tsunami can strike repeatedly. Please do not enter the sea or go near coastal areas,” ayon sa ahensya. RNT/JGC