Home NATIONWIDE Bahagi ng Cambridge street sa QC pansamantalang isasara mula Hunyo 1 –...

Bahagi ng Cambridge street sa QC pansamantalang isasara mula Hunyo 1 – Disyembre 2027

66
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Cambridge Street sa Cubao, Quezon City simula Hunyo 1, 2026 hanggang Disyembre 2027 upang bigyang-daan ang konstruksyon ng QCitizen Homes – Cambridge housing project.

Ayon sa anunsyo ng Quezon City government, sakop ng pagsasara ang bahagi ng kalsada mula Cambridge Street sa kanto ng K-9th Street sa West Kamias hanggang Ermin Garcia Street sa Barangay E. Rodriguez.

Habang isinasagawa ang proyekto, mananatili pa rin ang umiiral na one-way traffic scheme sa lugar. Dagdag pa rito, ipatutupad ang oras-oras na pagsasara: mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m., at buong araw tuwing Linggo at holiday.

Pinapayuhan ang mga motorista at residente na dumaan sa alternatibong ruta upang maiwasan ang abala at matinding trapiko habang tumatagal ang konstruksyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here