MANILA, Philippines – Hindi madaanan ang Bogayo–Gatub section ng Maharlika Highway sa Kumalarang, Zamboanga del Sur dahil sa pagguho ng retaining wall.
Ayon sa Kumalarang local government ay walang nasaktan sa nangyaring insidente.
Bago ang insidente, nagpapatupad ng pansamantalang “stop and go” traffic scheme mula pa noong Enero kasunod ng landslide at nagpapatuloy na road-widening works.
Sa kasalukuyan ay hinimok ng lokal na pamahalaan ng Kumalarang ang mga motorista na dumaan sa Lakewood route habang nagsisikap ang mga tauhan ng Badsbro Construction na alisin ang mga debris at isaayos ang apektadong bahagi ng kalsada.
“For everyone’s safety, please refrain from using this route until an official advisory is issued declaring it passable again,” saad sa pahayag ng LGU.
“Your safety is our priority. Please stay alert on the road,” dagdag pa. RNT/JGC