Home NATIONWIDE Bahagi ng Legarda Flyover isasara ng 4 na buwan

Bahagi ng Legarda Flyover isasara ng 4 na buwan

MANILA, Philippines – Isasara ang bahagi ng Legarda Flyover sa loob ng apat na buwan kaya asahan na ang mabagal hanggang masikip na daloy ng trapiko.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), simula Sabado, Hulyo 6 ay papalitan ang 19 units ng nasirang expansion joints sa flyover.

Unang gagawing ang bahagi ng westbound lane ng Legard Flyover o ang papunta ng Recto saka isusunod ang Eastbound Lane nito o ang mga papunta ng Magsaysay Blvd.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta lalo na’t tatagal ang pagsasa-ayos ng hanggang Nobyemre 6, 2024.

Humihingi naman ng pang-unawa ang DPWH sa publiko kung saan kinakailangan na talagang palitan ang mga expansion joints para na rin sa kaligtasan ng mga motorista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)