MANILA, Philippines – Maaring tumangap ng donasyon ang Department of Justice (DOJ) mula sa mga indibidual at kumpanya ng sigarilyo.
Nakasaad sa anim na pahinang legal opinion na pirmado ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang pagtangap ng DSWD ng donasyon na galing sa tobacco industry ay hindi labag sa probisyon ng Joint Memorandum Circular (JMC) na inisyu ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Health (DOH).
Ang naturang circular na tinawag na Protection of the Bureaucracy against Tobacco Industry Interference, ang nagbabawal sa mga public officials at mga empleyado na manghingi o tumangap ng regalo, pabor, gratuity, o kahit anong bagay na may halaga mula sa sinumang nasa tobacco industry sa takbo ng kanilang opisyal na tungkulin.
Ang naturang pagbabawal ay bilang pagsunod sa international commitments ng bansa sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC).
Binigyan diin ng DOJ na ibinabawal sa JMC No. 2010-01 at Section 7(d) ng R.A. No. 6713 na tumangap ng solicitation o regalo ang sinumang public official at empleyado ngunit hindi ang mismong government agency o ang tangapan mismo.
“Given that the prohibition under JMC No. 2010-01 only expressly covers public officials and employees, the same cannot be interpreted to broadly extend to the national government, local government, and other government agencies, subdivisions, and offices,” paglilinaw ng DOJ.
Inilabas ng DOJ ang legal opinion batay sa kahilingan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Sa kanyang letter-request, hiningi ni Gatchalian ang opinyon hinggil sa ligalidad ng pagtangap ng donasyon ng tatlong mobile clinics mula sa kumpanya ng sigarilyo na gagamitin para sa social welfare and disaster response operations.
Pinayuhan din ng DOJ ang DSWD na kunin ang posisyon ng Department of Health at Civil Service Commission bilang lead implementing agencies ng joint circular. Teresa Tavares