Home NATIONWIDE e-Visa sa Indian nationals pagbutihin – PBBM

e-Visa sa Indian nationals pagbutihin – PBBM

140
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing pag-aaral para madetermina kung paano makapagbibigay ang gobyerno ng tuloy-tuloy na e-visa transaction para sa mga Indian nationals.

Sinasabing makatutulong ang mas mabilis na e-visa processing para sa mga Indian national para mapalakas ang turismo sa bansa.

“We don’t have any such issues [with India]. So, I’m sure we can use their system,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 6th meeting kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourim Sector Group sa Palasyo ng malakanyang, araw ng Miyerkules.

“Under the current e-Visa system, Indian nationals are still required to make a personal appearance before the Philippine Embassy in New Delhi, reducing the efficiency of the Philippine e-Visa system, ” ayon kay Lucio Tan, LT Group president at CEO.

Sinabi ni Tan, isang miyembro ng PSAC- TSG na ang e-visa processing para sa Indian tourists ay tumatagal ng isang buwan, dahilan para maging “less appealing” o hindi gaanong kaakit-akit ang Pilipinas bilang kanilang destinasyon.

“In view of that, we recommend engaging in third party service provider that will establish, run and maintain the e-Visa system under the guidance of the relevant government agencies,” ang sinabi ni Tan kay Pangulong Marcos sa naturang pulong.

“This will ensure that the program is consistently monitored and that any challenges in the process and the system will be immediately [addressed]. This will likewise streamline the application process and thus generate more applications due to the expedite process,” aniya pa rin.

Sa kasalukuyan, ang e-Visa system para sa Indian nationals ay nananatiling nasa beta testing, nag-pilot lamang para sa mga walk-in clients ng Philippine Embassy sa New Delhi.

Sa kabilang dako, binigyang diin ng PSAC Tourism Sector Group ang pangangailangan na ayusin ang e-Visa system para sa mga Indian nationals dahil nakatutulong ito na mapalakas ang tourism industry ng bansa.

“They are “repeat visitors” who spend an average of eight nights and spend $100 per person per day in the Philippines,” ang paliwanag ng grupo.

Idinagdag pa nito na 78% ng Indian nationals ay nananatili sa mga hotel.

“Their activities include shopping, sightseeing, beach holidays, diving, visiting friends and relatives, and investing in business,” ayon sa PSAC.

Tinuran ng grupo na ang fast-growing economy ng India at ang tumataas na middle class ay tinatayang makatutulong sa outbound trips na maabot ang 30 million sa taong 2025. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here