Home METRO Bahagi ng Lucky China town nagliyab!

Bahagi ng Lucky China town nagliyab!

147
0
Larawan mula sa Facebook page ng RAHA Volunteers Fire Department

MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasusunog ang gusali ng isang kilalang mall sa Maynila, ayon sa ulat ngayong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang eksaktong lokasyon ng sunog ay sa likod ng Lucky China Town, subalitĀ ang partikular na nilalamon ng apoy ang ika-apat na palapag ng Lucky Chinatown Mall Museum.

Iniakyat pa lamang sa unang alarma ang sunog na nagsimula ng alas-7:13 ng umaga kung saan sinisikap na apulahin ng mga bumbero ng BFP at fire volunteers na nasa lokasyon ang pagliyab.

Inaantabayanan pa ang ibang detalye, impormasyon o update sa nagaganap na sunog. Jocelyn Tabangcura-DomendenaAHA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here