Home NATIONWIDE Bahagi ng P19B taunang kita ng DOJ, isasantabi ni Lacson sa attached...

Bahagi ng P19B taunang kita ng DOJ, isasantabi ni Lacson sa attached agencies nito  

13
0

MANILA, Philippines – Itinulak ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes ang mas malaking bahagi ng mga self-generated revenues, o ang kita mula sa income-generating activities ng Department of Justice (DOJ) at mga attached agency nito, upang mas magampanan nila ang kanilang mga mandato.

Pinuna ni Lacson na bagama’t nakapag-remit ang “DOJ family” ng humigit-kumulang P18.715 bilyon mula sa income-generating activities sa national treasury noong 2025, P262.778 milyon lamang ang inilabas sa departamento sa ilalim ng Special Account.

“We want to find out so we can make some adjustments. Ang laki ng cut ng Department. At least sa aspect na ito we want to support the Department. That’s why I’m trying to find out the details,” aniya sa pagdinig ng Senate finance committee para sa panukalang 2027 budget ng DOJ at mga attached agency nito.

Binanggit ni Lacson ang kaso ng Land Registration Authority (LRA), na 15 porsyento lamang ng remittances nito ang inilaan sa 2027 National Expenditure Program (NEP), kahit dapat ay 20 porsyento ang napupunta rito.

Noong 2025, nag-remit ang LRA ng P11.444 bilyon sa Treasury at dapat itong makatanggap ng 20 porsyento ng halagang ito para sa 2027. Ang 20-porsyentong bahagi ay katumbas ng humigit-kumulang P2.289 bilyon, ngunit P1.78 bilyon lamang ang inilaan sa LRA sa 2027 NEP.

“So short by five percent? That’s a violation of the law,” ani Lacson matapos malaman ang limang-porsyentong “shortage” mula kay LRA Administrator Gerardo Sirios.

“Kung under the Presidential Decree entitled ka sa 20% tapos bigyan ka sa NEP ng 15%, we can probably correct o remedyuhan ang error by giving back to the Department, maybe to the LRA, the missing 5%,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ng National Bureau of Investigation na nakapag-remit ito ng P855 milyon mula sa processing fees para sa clearances noong 2025.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, may karapatan ang NBI sa 30 porsyento ng earnings nito sa ilalim ng NBI Modernization Act, ngunit nakatakda sa P150 milyon kada taon ang maximum na halagang maaari nitong matanggap.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here