Manila, Philippines – Up for rush sale ang bahay ng pumanaw na Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na matatagpuan sa Jackielou Ville, BF Homes sa Parañaque City.
Ang two-storey residence na nakatırik sa 446 square meter-lot ay may floor area na 350 sq.m.
Ibinebenta ito sa halagang P24 million.
“Pass to agents” ang pagbebenta nito kundi sa direktang buyer lang makikipag-ugnayan ang property seller.
Narito ang ilang detalye ng for sale na bahay:
Meron ito four bedrooms at apat ding bathrooms; Semi-furnished ang mga interiors nito; Meron itong dedicated home office;
May driver’s quarters na may sariling toilet, ganoon din ang maid’s quarters; May four-car garage; Meron itong solar heater, water tank at motor.
Ang Jackielou Ville ay ipinangalan sa anak ni Pilita, ang aktres na si Jackielou Blanco.
Ang ama ni Jackielou na si Gonzalo Blanco ang developer ng subdivision.
Matatandaang pumanaw ang tinaguriang Queen of Songs noong April 12 noong isang taon.
Pilita was 87.
She died peacefully in her sleep.
Walang naiulat na nagkaroon siya ng lingering illness. Ronnie Carrasco III